^

Metro

Ex-solon pumalag sa Facebook post

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagpo-post sa Facebook tungkol sa nililitis na kaso, pinako-contempt ng isang dating kongresista at dalawang iba pa sa Sandiganbayan ang naghain ng demanda laban sa kanila.

Inihain nina dating  Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, Geishler Fadri at Oscar Galos ang Petition for Indirect Contempt laban kay Lyndon Molino.

Sa reklamo nina Madrona, nag-post umano si Molino sa Facebook page na Romblon Community noong Pebrero 20 at ikinumpra ang kaso niya sa kaso ni dating Sorsogon Gov. Raul Lee na nahatulan ng guilty sa kasong graft kaugnay ng fertilizer Fund Scam.

Sa nasabing FB post  umano ni Lydon ay nakasaad na  “Parehong supplier (Feshans Phils), parehong brand (Bio-Nature), parehong presyo (P1,500 per bottle), at pareho ring diskarte (walang competitive bidding) ang nangyari sa Romblon na nauwi sa kasong People of the Philippines vs. Eleandro Madrona et.al. (SB-17-CRM-1490) na dinidinig ngayon sa Sandiganbayan 6th Division. Looking forward to take the witness stand on February 28.”

Subalit ang hindi umano sinabi ni Molino sa kanyang post, si Lee ay hinatulan nang hindi nakakapagpresinta ng ebidensya. Hindi pa rin umano pinal ang desisyon na maaari pang iakyat sa Korte Suprema.

ELEANDRO JESUS MADRONA

SANDIGANBAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with