MANILA, Philippines — Trending at umabot na sa halos 3.5 million na viewers katunayan nang lubos na suporta ng mamamayan para sa 1PACMAN o 1 Patriotic Coalition of Marginalized Nationals sa isang YouTube video na umabot sa halos 3.5 million ang viewers.
Sa nasabing video, iginuhit ni 1PACMAN Congressman Mikee Romero na may mararating ang Pilipinas sa tulong ng sa isang tapat na lider.
“Pag-asa at inpirasyon ang hangarin ko para sa lahat,” ang sabi ni Congressman Romero sa video.
Dito rin niya pinahayag ang kanyang portpolyo sa pagtulong. Ayon sa kanyang tanggapan, nakapagbigay na siya ng mahigit 10,000 na trabaho at 12,000 na scholarships.
Ilang programang naitaguyod ng 1PACMAN sa pamumuno ni Congressman Romero ay ang 1PACMAN Scholarship Program kung saan nakapagpaaral ito ng 12,000 na estudyante at nakapagbigay ng 10,000 scholarship sa TESDA.
Naitatag din ng partido ang ‘Abot-Alam Program’ para mabigyan ng pagkakataong ang mga out-of-school youth na mag-aral ulit.
Hindi lamang sa views ng YouTube video na ito nakikita ang masigasig na suporta sa 1PACMAN.
Nangunguna sina Senator Manny Pacquiao at Senator Lito Lapid na naglahad ng testimonya at makikitang sumasayaw sa mga video na nagpapa-alala sa ating mga botante na numero 122 sa balota ang 1PACMAN Marami ring basketbolista ang naghihikayat maisulong ang 1PACMAN. Maging ang mga personalidad sa larangan ng volleyball at boxing ay isinusulong din ang 1PACMAN. May pinanggalingang tunay ang taus-pusong suporta ng mga Pilipino sa 1PACMAN. Ito rin ay dahil sa loob ng tatlong taon, nakapaghain siya ng 26 laws na nakatuon sa sports, trabaho, at edukasyon.