P60-M puslit na asukal at paputok nasabat ng BOC

Nabatid na inutos ni BOC District Collector Mari­tess Martin ang examination ng 35x40 containers na dumating mula sa Hong Kong noong Marso 31 at April 7 matapos na makatanggap ng impormasyon na misdeclared ang natu­rang container.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot sa P60 mil­yong halaga ng mga puslit na asukal at paputok ang nakumpiska ng  Bureau of Customs sa pantalan ng Subic.

Nabatid na inutos ni BOC District Collector Mari­tess Martin  ang examination ng  35x40 containers  na dumating mula sa Hong Kong noong Marso 31 at  April 7 matapos na makatanggap ng impormasyon na  misdeclared ang natu­rang container.

Lumilitaw na ang 34 containers ay nakapangalan sa  JRFP International Trading at naglalaman umano ng floor mats at plastic floor coverings.

Subalit nang busisiin ng  Customs officers  nadiskubreng 21,760 bags ng Thailand refined sugar at ilang kahon ng firecrackers ang laman ng container.

Dahil dito, inutos ni  Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbawi sa accreditation ng importer at broker. Naglabas din ng warrant of seizure and detention  para sa shipment.

Show comments