MANILA, Philippines — Magpapatupad ng rotational brownout ang Manila Electric Company (Meralco) sa maraming lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, bunsod na rin ng panibagong serye ng maintenance works.
Ayon sa Meralco, sinimulan ang maintenance works at rotational brownout nitong Lunes, Abril 8, at magtatagal hanggang sa Abril 14, Linggo.
Kabilang sa mga lugar na apektado ng rotational brownout ay ang Quiapo, Sampaloc at Sta. Cruz sa Maynila; Baclaran sa Parañaque City; Loyola Heights sa Quezon City; at Canumay West, Arkong Bato at Palasan sa Valenzuela City, gayundin ang Obando, San Ildefonso, San Miguel, Norzagaray, San Jose del Monte City at Meycauayan, sa Bulacan; Candaba, Pampanga; Dasmariñas City at General Trias sa Cavite; Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz sa Laguna.
Kabilang sa mga nakahanay na trabahuhin ng Meralco ay ‘line reconductoring works, line conversion works’, paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng pagtatayo ng LRT extension, pagpapalit ng mga pangunahing linya ng kur-yente, pag-upgrade ng mga pasilidad, preventive maintenance at testing works sa loob ng NGCP – San Rafael substation, maintenance at repair works sa loob ng ilang Meralco substation at pagpapalit at pag-install ng mga poste; at line maintenance works.
Bunsod nito ay humihingi ng paumanhin ang Meralco sa mga residente na apektado sa naturang rotational brownouts.