Aktor na si Migo Adecer, may panibagong kaso

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon, nang berepikahin nila sa Land Transportation Office, National Capital Region (LTO-NCR) ang lisensiyang iprinisinta sa kanila ni Adecer, napag-alaman na peke pala ito.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — May panibago na namang kasong kakaharapin ang aktor at StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer dahil sa pekeng lisensiyang iprinisinta nito sa mga pulis matapos itong arestuhin kamakailan.

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon, nang berepikahin nila  sa Land Transportation Office, National Capital Region (LTO-NCR)  ang lisensiyang iprinisinta sa kanila ni Adecer, napag-alaman na peke pala ito.

Panibagong  kasong falsification of public documents ang ihaharap kay Adecer.

Matatandaan, na noong Marso 26 ng gabi, inaresto si Adecer ng mga pulis matapos nitong takasan ang mga enforcer nang hulihin ito dahil sa kasong reckless driving hanggang sa nabangga nito ang dalawang personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na sinampahan rin ng mga kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang naturang actor.

Subalit, hindi itinuloy ng mga biktima ang reklamo nila laban kay Adecer, kung kaya’t tanging disobedience to person in authority lamang ang isinampa laban dito, na nakalaya naman matapos magpiyansa ng halagang P3,000 kay Makati City Metropolitan Trial  Court (MTC) Judge Clemente Clemente,  ng Branch 27.

Show comments