MANILA, Philippines — Arestado ang isang 21-anyos na estudyante ng San Beda University nang makuhanan ng isang maliit na sachet ng marijuana at drug paraphernalia nang dumaan sa inspeksiyon sa passenger entrance ng LRT-2 Legarda Station, sa Legarda St., Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.
Ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 11 at 12 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na kinilalang si Kenny Pelipel, residente ng No. 2A Luarca St., Vista Verde, Executive Village, Cainta, Rizal.
Sa ulat kahapon ng Manila Police District-Station 4, alas-5:53 ng hapon nitong Sabado nang pigilin si Duran na makasakay ng tren nang makuha ang isang sachet ng marijuana at isang glass tube pipes na may bakas pa ng bahagyang sunog na marjuana leaves habang dumadaan sa South Entrance ng nasabing istasyon.
Nakalagay umano sa bakanteng hair wax container ang marijuana habang ang glass tube pipes ay nakuha naman sa wallet ng suspek na hindi umano idinaan sa x-ray machine.