MANILA, Philippines — Isang Canadian national ang dinakip ng mga tauhan ng Customs matapos makumpiska mula sa package nito ang 650 na piraso ng tableta ng ephedrine sa Pasay City nitong Miyerkules.
Kinilala ang suspek na si Gary Mader, 50, 10-buwan nang naninirahan sa San-tolan, Pasig City.
Nabatid na isinailalim sa physical examination ng customs examiner ang laman ng nasabing package matapos ipakita ng consignee ang notice at ID ng nasabing dayuhan kung saan natuklasan ang laman nito ay 650 pirasong tableta ng ephedrine.
Katwiran ng dayuhan 25-taon na niyang iniinom ang ephedrine na gamot niya sa kanyang alergy at sa Canada umano ay sa over the counter lamang nabibili ito at wala nang prescription doon na advice ng kanyang doctor na inumin.
Hindi umano niya alam na bawal pala ito sa Pilipinas wala raw siyang balak na lumabag sa batas ng Pilipinas.
Ayon kay NAIA Customs District Collector Carmelita Talusan, nasabat ng kanyang mga tauhan customs ang mga tableta na wala umanong import permit.
Ang mga naturang gamot ay agad nilang i-turn-over sa PDEA upang isailalim sa pagsusuri.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy Inter Agency Anti Drug Task Group NAIA Gerald Javier, maaa-ring legal ang paggamit ng ephedrine tablets sa bansang pinanggalingan ng dayuhan ngunit bawal ito sa Pilipinas.