MANILA, Philippines — Lumung-lumong ang isang Taiwanese nang tangayin ng mga miyembro ng ‘Ativan Gang’ ang kanyang P10,000 cash at cellphone sa may Rizal Park sa Maynila.
Nagreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS),ang biktimang si Hong Pin Kuo,32, taga Kaoshsiung Taiwan at pansamantalang nanunuluyan sa Sulit Dormitel na matatagpuan sa V. Mapa St. Sta.Mesa,Maynila.
Ayon kay P/Capt. Henry Navarro,hepe ng MPD-GAIS, nakilala ng biktima sa police gallery ang isa sa apat na suspek na si Merlinda Mercado,ng Paghanapin St. Tondo, Maynila habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng tatlo pa nitong kasama.
Nabatid na namamasyal umano ang biktima sa Rizal Park nang lapitan ng mga suspek at kaibiganin.
Nang makuha ang tiwala ay pinainom ito ng soft drinks at ilang sandal pa ay nawalan na ito ng malay . Nang magising ay wala na ang kanyang pera at gadget at wala na rin ang mga suspect.