^

Metro

‘Oplan Baklas’ umarangkada na!

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
âOplan Baklasâ umarangkada na!
Umarangkada na kahapon ang isinasagawang ‘Operation Baklas’ ng mga ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Comelec laban sa mga ‘pasaway’ na kandidato na kung saan –saan ipinapaskil ang kanilang campaign materials.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon  ng mga ahensya ng gobyerno kabilang sa “Task Force Baklas” ang pag-aalis ng mga iligal na campaign materials sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Pinangunahan ito nina Commission on Elections Spokesperson James Jimenez; Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim; MMDA General Manager Jojo Garcia; Philippine National Police Chief  Gen. Oscar Albayalde; National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Gen. Guillermo Elea­zar; Department of Public Works and Highways - NCR Maintenance Division OIC Engr. Reynaldo Rosario; at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra ang operasyon.

Sinabi ni Jimenez na ang mga kandidatong lumabag sa patakaran sa paglalagay ng campaign posters ay binigyan ng notice bago nila isagawa ang operasyon.

Idinagdag pa nito na bahagi ng operasyon ang documentation at preservation ng mga nakuhang campaign materials na gagamitin sa pagsasampa ng reklamo sa mga lumabag na kandidato.

Ayon naman kay MMDA Chairman Danilo Lim, tuluy-tuloy ang gagawing pagbabaklas ng mga MMDA personnel sa mga iligal na election materials sa mga pangunahing kalsada.

“Umaasa ako na boluntaryo nang tatanggalin ng mga kandidato ang kanilang mga campaign materials at hindi na hintayin ang TF Baklas na alisin ang mga ito,” ani Lim.

Dala ang mga manlifters at adjustable ladders, nasa 300 tauhan ng nasabing mga ahensya ang dineploy sa Malate at San Andres, Bukid sa Maynila para tanggalin sa mga kalsada ang mga campaign materials ng mga kandidato.

Karamihan sa mga nakolektang campaign posters at streamers ay nakalagay sa mga poste at kawad ng kuryente, mga puno, poste ng ilaw, pader ng mga pampublikong establisimento at mga nasa signboard ng ilang public properties.

Binaklas din ang ilang iligal na campaign posters sa Epifanio Delos Santos Avenue-Pasay.

TASK FORCE BAKLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with