4 naaktuhan sa ‘pot session’ kalaboso

MANILA, Philippines — Timbog ang  tatlong ba­bae at isang lalaki sa aktong nagpa-pot session sa loob ng isang barung-barong, malapit sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Paltok St., Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

 Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehen-sive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na sina Rachelle Belenia, 33; Jovelyn Cabinbin,; Myrna Laguardia, 32, at Francisco Castro, 32.

Nadaanan umano ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Manila Police District-Station 4 ang barung-barong na kanilang sinilip at nakita ang mga suspek na abala sa pagbatak ng iligal na droga.

Agad silang sinita at sinamsam ang drug pa­ra­­phernalia kabilang ang dalawang plastic ng shabu, isang strip ng aluminum    foil at disposable lighter.

Show comments