Mga kabataang dawit sa krimen kinakalinga
MANILA, Philippines — Sa gitna ng mainit na talakayan sa pagbaba ng edad ng kriminalidad sa kongreso ay ipinakita naman ng isang local government unit (LGU) na kapag prina-yoridad ng mga namumuno ay maisasakatuparan ang programang tulad ng Bahay Pag-asa na kasalukuyang nakatayo ngayon sa Bara-ngay Longos, Malabon City.
“Sa amin po sa Malabon ay talagang seryoso kami sa pamamahala sa Bahay Pag-asa dahil malaki po ang paniniwala namin na malaki ang magagawa nito sa paggabay at pagmulat sa tama ng mga kabataang naliligaw ng landas. Sa murang edad po nila ay nangangailangan po sila ng tamang kalinga at gabay sa tamang direksyon para maituwid pa po nila ang kanilang buhay,” pagdidiin ni Patria Agcaoili, head ng city social work and development department ng naturang lungsod matapos maging panauhin sa nagdaang pagdinig sa Senado nitong linggo. Ang kanyang departamento rin ang tagapangasiwa ng Bahay Pag-asa.
Sa ngayon ay may 369 na mga menor-de-edad na natulungan mula noong 2016 kung saan ito ay mga kabataang nahuli sa iba’t ibang uri ng krimen. Ayon sa amended Juvenile Justice and Welfare Act of 2012, ang mga batang may pagkakasala edad 12 hanggang 15 ay kailangang dalhin sa “Bahay Pag-asa” sa pamumuno ng mga LGUs.
Sa pagdinig sa Senado, nabatid na sa 111 na bilang ng mga Bahay Pag-asa Centers ay 55 lamang ang gumagana.
Isa ang Malabon sa naimibitahan sa pagdi-nig para magpatunay na sa tamang pamamahala ay maisasakatuparan ang programang ito.