^

Metro

Mahuhuling ‘jaywalkers’, magkaka-record sa NBI

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mahuhuling ‘jaywalkers’, magkaka-record sa NBI
Isa ang NBI clearance na pinapakuha sa pag-aaplay ng trabaho, kung saan makikita ang rekord ng mga ‘pasaway’.

BabaLa ng MMDA sa mga ‘pasaway’

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pag­balewala sa batas sa jaywalking kung kaya pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng rekord sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mahuhuling jaywalkers.

“Pinaplano po ng MMDA na ang mahuhuling jaywalkers ay magkakaron ng lamat sa kanilang mga NBI records,” pahayag ito ng tagapagsalita ng MMDA     na si Celine Pialago.

Isa ang NBI clearance na pinapakuha sa pag-aaplay ng trabaho, kung saan makikita ang rekord ng mga ‘pasaway’.

Sinabi ni Pialago, base sa rekord ng MMDA sa 54  porsiyento ng  road accidents sa Kalakhang Maynila, ang mga ‘jaywalker’ ang isa sa mga panguna-hing dahilan.

Kung saan aabot sa 200 violators ang hinuli ng MMDA dahil sa paglabag sa anti-jaywalking at inisyuhan ang mga ito ng paniket na may multang P500 o kaya’y parusang commu-nity service.

Sinabi ni Pialago na mukhang hindi aniya sapat ang parusa sa mga ito dahil patuloy ang pagbalewala ng marami sa batas at patuloy ang nahuhuling lumalabag.

Ihahain ng MMDA sa  Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng ahensya ang ka-nilang panukala.

Hindi lang umano ma­ka­katulong ito sa paglutas sa trapik, kundi marami pang buhay ang masasagip.

JAYWALKERS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with