Manila Bay Rehab Project, ilulunsad

Roxas Blvd. isasara bukas

MANILA, Philippines — Nakatakdang isara bukas, araw ng Linggo ang southbound lane ng Roxas Boulevard bunsod nang paglulunsad ng Manila Bay Rehabilitation Project.

Sa abiso kahapon ng MMDA, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga ay isasara nila sa mga motorista ang kaha­baan ng southbound lane, mula T.M Kalaw hanggang President Qurino Avenue.

Samantala ang portion naman ng Roxas Boulevard (southbound) mula  P. Burgos hanggang V. Sotto ay isasara ng alas-3:00 ng hapon para naman sa pagdiriwang ng 40th Fiesta Del Sto. Niño.

Hinikayat ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta. Ang mga sasakyang magmumula sa A. Bonifacio Drive/R-10 ay kumaliwa ng  P. Burgos Avenue o TM Kalaw, kanan M.H Del Pilar  o  Taft Avenue hanggang destinasyon. (Lordeth B. Bonilla)

Show comments