Electrician naipit ng lifting spreader beam, utas

Halos dalawang oras pa bago tuluyang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Medical Center ang biktimang si Merlino Dela Cruz Rapacon, 47, residente ng Block 33, Lot 39, Sarmiento Homes Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang electrician nang maipit ng lifting sprea­der sa loob ng International Container Terminal Services Incorporated ICTSI sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Halos dalawang oras pa bago tuluyang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Medical Center ang biktimang si Merlino Dela Cruz Rapacon, 47, residente ng  Block 33,  Lot 39,  Sarmiento Homes Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Homicide Section, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing compound sa Port Area habang nagkukumpuni umano ang biktima nang biglang nagkaroon ng  power dahilan upang mag-function ang twin lift spreader at maipit ang buong katawan sa loob ng makina ng biktima.

Show comments