^

Metro

Kidnaper kumasa sa aresto, utas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kidnaper kumasa sa aresto, utas!

MANILA, Philippines — Isang umano’y notor­yus na kriminal na sangkot sa kidnapping, robbery holdup at drug pushing ang napaslang matapos na manlaban sa ikinasang joint drug bust operation at pagsisilbi ng warrant of arrest ng Manila Police District (MPD) at Manda­luyong Police sa Brgy. Namayan, Mandaluyong City kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang suspek na nakilalang  si Crispulo Moreno, 33, residente ng 7 Marryland Village, J.P. Rizal St., sa Brgy. Namayan dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), dakong alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ang drug raid ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD-Sta. Ana Police Station (PS-6) at Mandalu-yong City Police at sisilbihan din ang suspek ng apat na warrant of arrests sa mga kasong kidnapping   for ransom, robbery, paglabag sa Republic Act 7166 at physical injury. Gayunman, bago pa man umano naisa­gawa ang transaksyon ay napuna na ng suspek ang presensiya ng mga pulis sa paligid ng bahay nito.

Sa halip na sumuko, kumuha umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga awtoridad. Dito napi­litang gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kanyang ikinasawi.

Narekober ng mga pulis mula sa pag-iingat ng suspek ang apat na pakete ng shabu, 10 pirasong cartridge ng kalibre .40 na baril, 24 piraso ng cartridge ng kalibre .38 revolver, 57 piraso ng cartridge ng kalibre .45 revolver, isang kalibre .9mm pistola Tanfogllo, isang magazine, dalawang cartridge ng kalibre .9mm, at tatlo pang fired cartridge.

DRUG PUSHING

ROBBERY HOLDUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with