MANILA, Philippines — Sa Central office na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue sa Quezon City makukuha ang fare matrix para sa mga pampasaherong jeep ng Metro Manila at hindi na sa NCR office ng ahensiya sa EDSA sa Timog.
Ito ang inanunsyo ni LTFRB Chairman Martin Delgra nang makarating sa kanya ang mga reklamo sa sobrang haba ng pila at bagal na mag-isyu ng fare matrix ang NCR-LTFRB kayat domuble na ang bilang ng mga aplikante para dito.
Niliwanag din ni Delgra na P560 lamang ang fare matrix para sa mga pampasaherong jeep at hindi P610 gaya ng napapaulat.
“So we’re transferring the distribution of the fare matrix for NCR to the central office, which will have a much more space starting today until we will be able to distribute and release all the fare matrix for Metro Manila,” sabi ni Delgra.
Sa rekord ng LTFRB, may kabuuang 6, 360 fare matrix ang naipapalabas pa lamang ng LTFRB sa mga jeepney drivers sa NCR, Regions 3 at 4 at sa central office.
Muli binalaan ni Delgra ang mga PUV operators na maaari lamang maningil ng taas pasahe kung may nakakabit ng fare matrix sa kanilang mga sasakyan.
Alinsunod sa inaaprubahang taas singil pasahe, nasa P10 na ang minimum pasahe sa pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4 at dagdag P1 naman sa mga pampasaherong bus at MMLA at provincial buses.