Anak ng ‘drug queen’, hahabulin pa rin!
MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkaka-absuwelto ng korte ay hahabulin pa rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anak ng convicted drug queen na si Yu Yuk Lai.
Dismayado si PDEA Director General Aaron Aquino dahil ipinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court (RTC) si Diana Uy nitong Biyernes at palayain dahil umano sa “lack of probable cause” sa inihaing search warrant at “irregularities” ng PDEA agents.
Ayon kay Aquino, hindi nila tatantanan sa halip ay hahabulin parin nila ang inabsweltong anak ng sinasabing drug queen.
“PDEA strongly disagrees with the decision. We condemn the decision of the judge...We will file a petition for certiorari. Titingnan namin bakit premature at hasty ang naging decision ng judge tungkol doon,” sabi ni Aquino.
Ani Aquino, maghahain sila ng ‘petition for certiorari argues’ sa korte.
“Devastated kami sa PDEA ngayon. Kahit anong trabaho ang gawin namin, tapos ia-acquit lang din yung mga drug queen na ito. Walang mangyayari sa ating bansa kapag ganito,” himutok pa ni Aquino.
Base sa rekord, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang tahanan ni Uy sa bisa ng search warrant na inisyu ng Quezon City RTC matapos na madakip ang kanyang inang si Lai.
Nabawi sa tahanan ni Uy ang 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon.
Binigyang-diin ni Aquino na hindi magagawa ng kanyang mga tauhan na magtanim ng iligal na droga dahil wala umano ang mga ito kahit ni-katiting ng gramo ng ‘narcotics.’
Sinasabing si Uy ay nakakapag-puslit ng iligal na droga sa women’s correctional sa pamamagitan ng “backdoor,” at sinasabing bigas ang kanyang pinapasok sa loob ng nasabing piitan.
- Latest