Tsuper, konduktor tiklo sa pot session

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong sina Carno Donio, 36, tsuper ng Ceres Transport Inc, ng Lubao, Pampanga; at Louie Ellamil, 29, konduktor naman ng Victory Liner at nakatira sa Pozzorubio, Pangasinan.
File

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng isang bus driver at konduktor matapos matiklo ng mga tauhan ng Pasay City Police sa iniulat na pot session sa loob ng isang bus terminal sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong sina Carno Donio, 36, tsuper ng Ceres Transport Inc, ng Lubao, Pampanga; at Louie Ellamil, 29, konduktor naman ng Victory Liner at nakatira sa Pozzorubio, Pangasinan.

Nakatakas naman ang dalawa nilang kasama na sina Michael Ilagan, konduktor ng Ceres Transport at si Darry Arroz, janitor naman ng Victory Bus Terminal sa EDSA, Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Community Precinct-Central Park dakong ala-1:35 ng madaling araw sa Victory Bus Terminal sa Pasay City makaraang makatanggap ng sumbong sa opisyal ng naturang terminal ukol sa nagaganap na pot session ng mga tauhan ng dalawang bus company.

Nang dumating ang mga pulis, nasa kustodiya na ng mga security guard ng Victory Terminal sina Donio at Ellamil habang nakatakas umano ang dalawa pang suspek.

Ayon sa mga security guard, nagsasagawa sila ng inspeksyon sa mga nakaparadang bus nang makita ang apat na lalaki sa loob ng isang bus unit ng Ceres Bus.  Dito dinakma ng mga security guard ang apat ngunit nagpapalag sina Ilagan at Arroz at nagawang makatakas.

Show comments