MANILA, Philippines — Winakasan ng Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO) ang umano’y red tape sa tanggapan na sagabal sa mga miyembro ng TODA na makakuha ng permit.
Ayon sa bagong talagang MTRO chief na si Totie Diokno, inayos nila ang sistema ng pagbibigay ng permit sa mga operator upang maiwasan na ang red tape kung saan hindi napupunta sa city hall ang buong bayad sa permit at pinagpapabalik-balik ang operators.
Binigyan diin ni Diokno na ang kanilang ope-rasyon laban sa mga tauhan ng MTRO ay bunsod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na linisin ang hanay ng mga TODA upang makapaghanap buhay ng maayos at hindi makakaabala sa daloy ng trapiko at motorista.
Payo ni Diokno sa mga operators, ayusin at kumpletuhin lamang ang kanilang aplikas-yon ay mabilis na mapoproseso ang kanilang permit.
Aminado si Diokno na marami ang nagalit at naninira sa kanyang pamamalakad subalit ginagawa lamang niya ang tama para na rin sa lungsod ng Maynila.
Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng clearing operation ang MTRO sa North Bay Boulevard kung saan nadiskubre na maraming tricycle ang pumapasada nang walang permit.