P.5 M reward sa ulo ni Peter Lim
MANILA, Philippines — Nakahandang magbi-gay ng reward na P500,000 ang pamahalaan para sa ikadarakip ng hinihinalang bigtime drug lord na si Peter Go Lim na itinuturing na pugante ng batas dahil sa hindi pagdalo sa kinasasangkutang kaso ng iligal na droga na isinampa ng Philippine National Police (PNP) sa Makati City Regional Trial Court (RTC).
Ito ang sinabi kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasabay nang babala sa sinumang coddler o makikipagsabwatan para maitago si Lim sa batas ay makakasuhan ng obstruction of justice.
Matatandaang noong Agosto 28, 2018, sa isinagawang arraignment ay hindi lumutang si Lim at kapwa aku-sadong si Ruel Malindangan.
Sa nasabing pagdinig ay iprinisinta naman ng National Bureau of Investigation (NBI) sa korte si Rolando ‘Kerwin’ Espinosa at ng BJMP si Marcelo Adorco na kapwa nagpasok ng ‘not guilty plea’ sa two counts of conspiracy to commit illegal drug trade, sa paglabag sa Section 26(b), Section 5, ng Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002), na isang non-bailable offense.
Noong nakalipas na Agosto 14 nang magpalabas ng warrant of arrest laban kay Lim ang korte matapos ang evaluation sa isinumiteng information ng Department of Justice (DOJ), samantalang si Malindangan na kasalukuyan pang hinahanting ay may na-kabinbing warrant of arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court Branch 65 Judge Gina Bibat-Palamos.
Nabatid na inatasan din ng korte ang Bureau of Immigration (BI) sa inilabas na Hold Departure Order na huwag hayaang makalabas ng bansa si Lim, batay sa dalawang pahinang kautusan noong Agosto 17.
Bukod dito, sina Espinosa, Adorco, at Malinda-ngan ay kabilang din sa kinasuhan ng two counts of conspiracy to commit illegal drug trade sa Manila RTC at Makati RTC kasama sina convicted drug lord Peter Co at diumano’y drug supplier na si Lovely Impal.
- Latest