Sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Ipatutupad ng pamunuan ng Las Piñas City Police ang ‘one strike policy’ sa sinumang commander ng presinto na mabibigong hulihin at buwagin ang mga video karera sa naturang siyudad.
Ito ay matapos atasan kahapon ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Marion Balolong, na buwagin ang naturang sugal at arestuhin ang mga may-ari at operator nito.
Ang hakbangin ng alkalde ay bunsod sa reklamo ng maraming magulang sa lungsod, na karamihan sa kanilang mga anak ay nalululong sa video karera at napapabayaan na umano ang pag-aaral ng mga ito.
Bilang pagtugon ng pulisya sa kautusan ng alkalde, nasa 20 video karera machine ang nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-gambling operation sa area ng Brgy. Zapote, Pulang Lupa Uno at Dos, Manuyo Uno at Dos, Talon Uno at Dos at CAA.
Bukod sa pulisya, inata-san din ni Aguilar ang mga barangay official, na paigtingin ang monitoring nito kontra vi-deo karera.