80 bahay, gusali ng unibersidad nasunog

Sa pagtaya ni Senior Inspector Reden Alumno, hepe ng Arson Investigation ng Bureau of Fire Protection-Manila, tinatayang nasa P2.4 milyon ang napinsalang ari-arian mula sa 80 kabahayan o 500 pamilya.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Naabo ang nasa 80 kabahayan at nadamay pa ang College of Engineering building ng University of Manila (UM) nang sumiklab ang sunog na hinihinalang dahil sa electrical overload  sa Delgado St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa pagtaya ni Senior Inspector Reden Alumno,  hepe ng Arson Investigation ng Bureau of Fire Protection-Manila, tinatayang nasa P2.4 milyon ang napinsalang ari-arian mula  sa 80 kabahayan o 500 pamilya.

“Yung mga bahay na halos magkakadikit at ang iba ay yari sa mga light materials na may kalumaan at sa likod ay ang University of Manila na nadamay din,” ani Alumno.

Nagsimula ang sunog alas-6:00 pasado ng gabi nitong Linggo na umakyat sa Task Force Alpha  at idineklarang fire-out alas-12:49 ng madaling araw.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog  na hinihinalang posibleng kuryente umano ang pinagmulan.

Isa sa tinitingnan ang pagkakabit umano ng kuryente ng isang pamilya sa kapitbahay dahil naputulan o hindi nakapagload  sa prepaid ng Meralco.

Wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing insi-dente.

Show comments