MANILA, Philippines — Kinumpiska ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) ang nasa 200 kilong karneng ‘botcha’ sa mga vendor sa kahabaan ng CM Recto Avenue sa Ilaya St., sa Divisoria,Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Bandang alas-2:00 ng madaling araw nang suyurin ang mga nagbebenta ng karne sa kalye ng mga tauhan ni Dr. Jose Fajardo ng VIB matapos may magbigay ng impormas-yon hinggil sa ibinebentang mga ‘botcha’ na nasa kalahati lamang ang presyo sa orihinal na bentahan.
Sa pagsusuri, hindi na umano dapat na makain pa ang mga karne dahil halata sa hitsura na hindi na sariwa, may mga balahibo pa ang baboy at nangangamoy dahil sa mga hindi natanggal na dugo.
Indikasyong hindi maayos ang pagkatay at pagha-handle sa mga karne bukod pa sa walang meat inspection seal.