MANILA, Philippines — Isang negosyante na pinaghihinalaang supplier ng marijuana ng mga kabataang estudyante ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 at Pasig City Police sa follow-up operation sa lungsod ng Pasig nitong Biyernes ng madaling araw.
Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Alfred Corpus, kinilala ang mga nasakoteng suspect na si Jayson Proda, 24, negosyante, ng Brgy. Bambang, Pasig City.
Bandang alas-2:05 ng madaling araw ng masakote ng DEU operatives ng QCPD Station 7 at Pasig City Police si Proda sa followup operation sa Villa Alfonso, C. Victorino Street, Villa Alfonso, Brgy. Bambang ng lungsod.
Ayon sa opisyal, mga estudyante ang parukyano ng suspect na notoryus na ‘tulak’ ng droga.
Nabatid na aabot sa P40,000 ang nabiling droga ng mga poseur buyer mula sa target na suspect.
Nabatid na ang suspect ang itinurong supplier ng marijuana at kush ng dalawang estudyante na una nang nasakote sa isinagawang buy bust operation sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi. Nakumpiska mula sa estudyanteng si Michael Dantic at kasamahan nitong 17 anyos.