MANILA, Philippines — Inirekomenda ng bagong talaga na NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng random inspections sa mga bags at lockers ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan sa Metro Manila.Ayon kay Eleazar, ito ay para maagapan o malabanan ang pagkalat ng ilegal na droga sa mga mag-aaral.
Inihalimbawa ng NCRPO chief na noon siya ay nag-QCPD director, isang estudyante ang nahulihan ng mismong kanyang guro na may dalang 30 sachets ng marijuana sa loob ng paaralan.
Sinasabing nakatakdang ibenta ng estudyante ang marijuana sa kanyang mga kapwa mag-aaral nang maaresto.