Accident insurance ng driver, pasahero ng tricycle sa QC, suportado ng LCSP

MANILA, Philippines — Mariing sinuportahan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang ordinansa sa Quezon City na magkakaloob ng accident insurance  para sa mga pasahero at driver ng tricycle na mabibiktima ng anumang aksidente sa lansangan sa QC.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, malaking kapakinabangan ito ng mga pasahero at driver na nasangkot sa mga aksidente dahil mabibigyan na sila ng proteksiyon at kaukulang benepisyo.

Sa ilalim ng panukala nina QC Councilors Ramon P. Me­da­lla at Oliviere T. Belmonte, ang lahat ng tricycle ope­rators ay dapat may personal accident insurance coverage program bilang proteksiyon ng mga tricycle drivers at pasahero.

Sa ilalim ng ordinansa, ang QC government ay maglalaan ng P20 milyon para mapasi­mulan ang programang ito. Sa unang taon ng implemen­tasyon,  isu-subsidize ng lokal na pamahalaan ang 50 percent ng insurance premium payment ng lahat ng tricycles at 50 percent naman ay sagot ng operators.

Oras na maaprubahan ng QC Council, bibigyan ng isang taong grace period ang mga stakeholders upang ang lahat ng may prangkisang tricycle sa QC  ay mag-comply dito.

Aabutin ng P50,000 ang death benefit na makukuha ng pasahero at mula P7,500 hanggang P5,000  naman ang  compensation kapag may injury ang driver o pasahero depende kung gaano kalubha ito. Ang sinumang  operator na lalabag sa ordinansa ay maa-ring kanselahin ang prangkisa.  

Show comments