MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 18-anyos na babae nang barilin ng isang beses sa ulo sa eskinita ng Temporary Hosuing, Aroma, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Merry Rose Mercolita Segaya, ng Building 27, Temporary Housing, Aroma, Tondo, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril alas -5:20 ng hapon sa eskinita sa pagitan ng Buildings 11 at 15 ng Temporary Housing.
Bigo ang imbestigador na makakuha ng saksi na magdedetalye sa pangyayari.
Nabatid na ang biktima ay nakaupo sa nasabing eskinita nang bigla na lamang pinaputukan nang lumutang na salarin at mabilis na tumakas nang masiguro na napuruhan ang una.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.