Inuman naging madugo

MANILA, Philippines — Nauwi sa madugo ang isang masayang inuman nang mapatay sa saksak ang isang 29 anyos na lalaki ng mismong ka-tropa, sa Aroma Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimang si Edwin Gonzaga Tagdulang,  walang hanapbuhay at residente ng Helping Compound Complex, Aroma Compound, Tondo. Arestado naman ng mga tauhan ng Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District-Station 1, sa pangunguna ni PO1 Joey Oliverio ang suspek na si  Amay Ibanez Gamok, 31, residente ng Building 6, Aroma Compound, na nakatakdang isalang sa inquest  proceeding sa Manila Prosecutor’s Office.

Show comments