^

Metro

Mag-ina natusta sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang 74-anyos na babae at anak niyang lalaki na may kapansanan sa pag-iisip nang sumiklab ang sunog at lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Ca­loocan City, kamakalawa ng gabi.

Inisyal na nakilala ang mga nasawi na sina Herminda Carbonel at anak niyang si Banjo Carbonel, 51, kapwa nani­nirahan sa Barrio San Isidro, Brgy. 188 Tala, ng natu­rang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-9:40 ng gabi nang unang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa may Area F, Bo. San Isidro, sa naturang barangay. Agad na umakyat sa ikatlong alarma ang sunog.

Alas-11:27 na ng gabi nang magdeklara ang BFP ng “fire-out” sa naturang sunog kung saan umabot sa P500,000 ang tinatayang halaga ng ari-arian na napinsala.

 Nang magsagawa ng “mopping operation”, nadiskubre ang bangkay ng mag-inang Carbonel na kapwa na-trap sa loob ng kanilang natupok na bahay.

Ayon sa kapatid ni Banjo na si Pepito, nagkaroon umano ng problema sa pag-iisip ang una makaraang magtrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait. Bago ang sunog, nagwawala umano ang kapatid kaya umalis muna siya ng kanilang bahay para humingi ng tulong sa kanilang barangay ngunit pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang bahay.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with