^

Metro

Maliligo sa Manila Bay aarestuhin – Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag­asa) na summer na, nagbabala kahapon si Manila Mayor Joseph Estrada sa publiko na huwag maligo sa Manila Bay.

Ayon kay Estrada, mahigpit na ipinagbabawal ang pag­ligo sa Manila Bay dahil na rin sa mga sakit na posibleng makuha dito. Aniya, isang ordinansa ang pagbabawal sa pagligo sa Manila Bay kung kaya’t may karampatang parusa ang mga lalabag.

Kaugnay nito, bantay-sarado na ng mga pulis ang kahabaan ng Manila Bay sa Roxas Boulevard sa Maynila, ma­tapos ang insidente ng pagkalunod ng isang 37-anyos na lalaki noong Linggo.

Mahigit 10 na rin ang nakaposteng mga pulis habang ang iba ay nagpapatrolya sakay ng kanilang motorsiklo. Katu­wang ng mga pulis sa pagbabantay at pagpapanatili ng kalinisan sa lugar ang mga tauhan ng Department of Public Services ng Manila City Hall.

Maging ang lahat ng illegal vendors ay pinaalis na sa kahabaan ng Roxas Boulevard, pati na ang mga natutulog sa bangketa at mga behikulo na ilegal na nakaparada.

MANILA BAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with