Sari-sari store owner itinumba

MANILA, Philippines — Isang sari-sari store owner ang nasawi nang malapitang barilin sa ulo ng ‘di pa kilalang lalaki na pumasok sa kanyang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng ga hapon.

Dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Salam Altaron Abdulmajid, may asawa, residente ng Block 105,  11th st., Port Area, Maynila.

Inilarawan ang gunman na nakasuot ng kulay maroon na sweat shirt, camouflage na short pants, itim na rubber shoes at  ball cap.

Sa ulat ni PO3 Joel Jasareno ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:15 ng hapon nang pasukin sa loob ng kanyang tindahan ang biktima at malapitang pinutukan sa ulo at nang tumumba ay mabilis na tumakas ang suspek. Sa pagresponde naman nina Insp. Diamond Ramos, PO1 Christian Quisoy at PO1 Lester Macassad, pawang nakatalaga sa Baseco Police Community Precinct (PCP) ng MPD-Homicide Section ay dinala ang biktima sa Ospital ng Maynila dakong 5:55 ng hapon ni Dr. Danilo Sedutan.

Show comments