Habang natutulog
MANILA, Philippines — Isang kagawad ng Quezon City Police District Office (QCPD) ang nasawi makaraan barilin ng kanyang misis habang ang biktima ay natutulog sa kanilang tahanan sa Quezon City kahapon ng hapon.
Ang biktima ay nakila-lang si PO2 Angelo Capili, 36, nakatalaga sa QCPD Station 5 sa Fairview, Quezon City.
Ang suspek naman na agad din naaresto ng mga awtoridad ay mismong mi-sis ng biktima na si Josan Capili, 31, residente ng IBP Road, Brgy. Batasan Hills, Fairview, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng pulisya nabatid ang krimen ay naganap dakong ala-1:00 ng hapon habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay nang bigla siyang pagbabarilin ng kanyang misis.
Sinasabing mismong service firearm ng nasabing pulis na isang Glock 9mm pistol ang ginamit ng ginang sa kanyang ginawang pagbaril at pagpatay sa kanyang mister.
Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen na siyang subject ngayon sa ginagawang imbestigasyon.
Ang mag-asawa ay may tatlong mga anak na pa-wang mga menor-de-edad ay nasa pangangalaga ngayon ng kanilang kaanak.