Santa Claus makiki-selfie sa LRT

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng pagkakataon ang  mga pasahero ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na makita ng personal ang buhay na Santa Claus.

Ayon sa management ng LRT-2, nakatakdang bumisita si Santa Claus sa kanilang Santolan station sa Pasig City mula alas-10:00 hanggang 11:00 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules.

Bibigyan ng pagkakataon­ ang mga commuters na maki­pag-selfie kay Santa Claus at ma­mi­migay ito ng mga regalo at goodies sa mga riding public. Ang LRT-2 ang siyang nagdudugtong sa Doroteo Jose sa Maynila at Santolan sa Pasig City.

Kamakailan naman ay nag­labas ng ‘Christmas train’ ang LRT-1 na may  ibat-ibang dekorasyon, tulad ng Christmas tree, parol, Christmas lights at iba pang palamuti na nagbibigay ng magandang mood sa bawat pasaherong makakasakay nito.

Ang ‘Christmas train’ ay maghapon din bumibiyahe para magsakay at magbaba ng mga pasahero patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Ayon sa Corporate Communication ng Light Rail Ma­nila Corporation (LRMC) layunin nilang makapaghatid ng saya at madama ng bawat pasahero na Pasko ay narito na.

Show comments