WW 2 Vintage bomb, nakuha malapit sa NAIA

Ang World War 2 vintage bomb na tumitimbang ng may 2,000 pound na nahukay malapit sa NAIA. Kuha ni Rudy Santos

MANILA, Philippines —  Isang 2,000 pounder na kalawangin na World War 2 (WW2) vintage bomb ang nakitang nakabaon sa lupa matapos tamaan ng backhoe habang hinuhukay ang isang bahagi ng lugar ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, kamakalawa.

Sinabi ni Airport Police Supt. Adrian C. Tecson, may tuma­wag sa kanila tungkol sa naturang bomba na nakita kaya mabilis nilang pinuntahan ang nasabing bisinidad.

“Kinordon namin ang lugar at pansamantalang hindi muna pinadaanan sa lahat ng uri ng mga sasakyan ang lugar. Ang mga patungong NAIA T2 ay pinaikot muna namin sa ibang kalsada para sa seguridad.’ sabi ni Tecson.

Sinabi ni Tecson, matapos makuha ang WW2 bomb ay ibinigay ito sa PNP Aviation Security Group (PNP-ASG) para sa proper disposition.

Show comments