MANILA, Philippines - Nasa 775 pamilya ang naiulat na nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa sunog sa Malabon at Pasig City.
Alas-7:31 ng gabi nang bigla na lamang sumiklab ang sunog sa dikit-dikit na kabahayan sa Remedios St., Brgy. Maysilo at mabilis na kumalat
Agad itinaas sa Task Force Alpha hanggang ideklara itong fire out dakong alas-10:43. 700 pamilya ang nawalan ng tirahan habang tinatayang nasa P600,000 halaga ng ari-arian ang napinsala.
Samantala, nawalan din ng tahanan ang 75 pamilya sa sunog na sumiklab sa isang 2 storey residential building sa Brgy. Rosario, Pasig City kahapon ng madaling araw.
Ayon sa Pasig City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:00 ng mada-ling araw nang sumiklab ang sunog sa unit ng isang Felino Medina, 67, sa Ortigas Avenue Extension, sa Brgy. Rosario.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog, na umabot ng isang oras bago tuluyang naapula dakong alas-5:00 ng madaling araw.
Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog, na tumupok sa tinatayang may P1.8 milyong halaga ng mga ari-arian.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.