MANILA, Philippines - Upang hindi maapektuhan ang operasyon sa New Bilibid Prison (NBP), itinalagang Officer-In-Charge (OIC) muna ng Bureau of Corrections (BuCor) ang dating adminis-trative division chief na si Rey Raagas matapos magbitiw sa pwesto si General Benjamin Delos Santos.
Si Raagas ay pansamantalang itinalaga bilang OIC ng BuCor ni Department Of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre.
Matatandaang ibinunyag ni Aguirrre na umiiral na na- man umano ang illegal drug trade sa NBP dahilan para magbitiw sa pwesto si Delos Santos noong nakalipas na linggo.
Kasabay nito, pormal na inirekomenda ng DOJ si ret. Gen Dionisio Santiago, bilang susunod na BuCor Chief.
Ayon kay Justice Usec. Erickson Balmes, naisumite na rin sa tanggapan ng Pangulong Duterte ang formal recommendation para kay Santiago bilang kapalit ng nagbitiw na si Delos Santos.
Biyernes, naglabas pa ng Department Order ang DOJ na nag-uutos kay Delos Santos na manatili muna sa pwesto hanggat wala pa itong nagiging kapalit.
Pero nanindigan si Delos Santos sa kanyang irrevocable resignation at minabuting hindi na bumalik sa kanyang trabaho sa BuCor.