Kelot binoga sa ulo dedo

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34- anyos na lalaki makaraang partraydor  na pagbabariin sa ulo ng isang salarin habang ang una ay naglalakad  sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Roberto Manalo, walang trabaho, ng Sitio Militar, Brgy. Òld Balara sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa harap ng Alora Market na matatagpuan sa kahabaan ng Congressional Avenue, Brgy. Ramon Magsaysay, dakong alas-6:50 ng gabi.

Sinasabing naglala­kad ang biktima sa nasabing lugar nang mula sa likuran nito ay sumulpot ang isang suspek at pinagbabaril ito sa ulo at katawan

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek at iniwang duguang nakahandusay sa lugar ang biktima.

Agad namang sinaklolohan ng ilang residente ang biktima at isinugod ito sa Quezon City General hospital, subalit idineklara din siyang dead-on-arrival.

Show comments