MANILA, Philippines - Binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay ng bonnet gang ang mag live-in- partner, kahapon sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.
Base sa report ni P/Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station 6, kinilala ang mga biktima na si Arieto Sanchez, 29 at kinakasamang si Gina Cepeda Viliganio, 35, kapwa ng Eagle St., Area 6, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan sa lungsod.
Sa imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), alas-7:00 ng gabi kamakalawa nang pasukin ng apat na armadong lalaking naka bonnet ang bahay ng dalawang biktima at walang habas na pinagbabaril ang mga ito.
Nang makitang duguang nakahandusay ang mag live-in partner at wala ng buhay ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay sa motorsiklo na hindi naplakahan.
Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng kri-men ang 19 na basyo ng bala at mga plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.