MANILA, Philippines - Bawal nang gumamit ng cellular phone ng mga mag-aaral sa lahat ng public elementary at high schools sa Quezon City tuwing class hours.
Ito ay nakasaad sa panukalang resolusyon bilang 6969-2017 na iniakda ni QC Councilor Julienne Alyson Rae Medallana na nag-uutos sa Division of City Schools na ipatupad sa lahat ng public elementary at secondary schools sa lungsod ang batas para maturuan ang mga mag-aaral kung paano maging responsable sa paggamit ng kani-kanilang mobile devices.
Iniutos din ng batas na ito ay ipalaganap sa lahat ng public school heads, sa elementary at secondary levels ang bagay na ito gayundin sa mga Parent-Teachers-Association, sa mga magulang at school government councils para sa kaukulang implementasyon.
“Notwithstanding the importance of mobile phones during emergencies, electronic devices can also present considerable distractions to the students and their classmates as well,”pahayag ni Medalla.