^

Metro

Drug suspect itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 28-anyos na lalaki na umano ay sangkot sa droga nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nasa harap ng kanilang bahay sa  Barangay Payatas A, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang­ si Michael Abay, ng 004 San Juan Bautista St., Brgy. Paya­tas-A.

Sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw ay nagi­sing sa putok ng baril si Mateo Abay na nagmula sa labas. 

Nang kanyang tignan ay nakita ang kapatid na naka­higang duguan kaya’t agad nilang itinakbo ito sa East Avenue Medical Center, su­balit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre .45, dalawang tingga, isang fired jacket fragment, isang rolyo ng aluminum foil at isang plastic sachet ng shabu. Kaya’t malaki ang hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang krimen.

vuukle comment

MICHAEL ABAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with