MANILA, Philippines - Hiniling ng pamunuan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay QC Mayor Herbert Bautista na mabigyan ng certificate of indigency ang mga kapamilya ng mga biktima ng field trip tragedy na kumitil ng 14 na mag-aaral at sa driver ng bus noong Lunes.
Ayon kay LCSP founder Ariel Inton ito ay upang magamit ang sertipikasyon sa pagsasampa ng kasong sibil sa korte ng mga naulila sa trahedya laban sa BestLink College of the Philippines at Panda Coach Tour.
Sinasabi ni Inton na hindi kaya ng mga namatayang pamilya ang gastusin sa pagsasampa ng kaso sa korte kaya’t kung may certificate of indigency ay magagamit nila ito na makapagsampa ng ‘‘pauper litigant suit’’ at daan para malibre sa docket fee.
Katulong ni Inton si QC Councilor Toto Medalla na siyang chairman ng Committee on Transportation sa QC council na nagkakaloob ng ayuda sa mga taga QC na biktima ng aksidente.
Ang Panda Coach Tour ang inarkila ng naturang paara- lan para sa paghahatid sundo sa kanilang mga mag-aaral para sa camp tour sa Tanay Rizal.