^

Metro

Parak binugbog, ninakawan, baril inagaw pa

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan ang nada­kip matapos pagtulu­ngang bugbugin, nakawan at agawan ng baril ang isang pulis sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas ngayon  sa Fatima Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si PO2 Rico Valenzuela, nakatalaga sa Valenzuela City  Police.

Nakakulong naman sa Valenzuela City Police ang mga suspect na sina Danilo Lorenzo;  pamangkin nitong si Rhoniel Lorenzo at Ryan Danil Gabriel, pawang nasa hustong gulang.

Naganap ang insidente alas-8:45 ng gabi, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng Santolan Road, Gen. T. De Leon nang bigla na lamang itong banggain ng motorsiklong minamaneho ni Rhoniel at angkas nito ang kanyang tiyuhin. Sa halip na huminto, tumakas ang magtiyuhin na naging dahilan upang habulin ito ng biktima  hanggang sa makorner ang mga ito malapit sa isang mall bago nagpakilala itong pulis.

Subalit, bigla na lamang pinagtulungang bugbugin ng mga suspect ang biktima at nang ilabas ng pulis ang kanyang service firearm ay inagaw ito ni Danilo bago paulit-ulit na pinalo sa ulo ng pulis.

Itinutok din ng suspect ang baril sa biktima bago kinalabit subalit, hindi ito pumutok na naging dahilan upang tumakbo si P02 Valenzuela para iligtas ang sarili.

Subalit, hinabol pa rin ito ng tatlo hanggang sa bumagsak ito sa semento bago kinuha ni Gabriel ang cellphone ng pulis.

Pagkatapos ng isang oras, ni-report nina Danilo at Rhoniel ang insidente sa PCP-2 at sinabi ng mga ito na binugbog sila ng lalaking armado ng kalibre .9mm na baril subalit, nagawa umano nilang maagaw ang armas nito.

Gayunman, nang i-reviewed ng pulisya ang kuha ng close circuit te­levision (CCTV) ca­mera na nakakabit sa naturang lugar, nalaman na kabaliktaran ang pahayag ng mga suspect. Dahilan upang arestuhin ang magtiyuhin habang nabawi naman ang cellphone ng biktima kay Gabriel na na­dakip sa follow-up operation.

FATIMA HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with