‘Pook Kaayusan’ ilulunsad sa 23 lugar sa Maynila

MANILA, Philippines - Itatatag ni Manila Mayor Joseph Estrada sa 23 matatrapik na lugar sa lungsod ang ‘Pook Kaayusan’ o traffic discipline zones na mamanma­nan ng mga traffic enfor­cers na ma­higpit na magpapatupad ng batas trapiko.

“Titiyakin natin na maluwag ang daloy ng mga sasakyan at mga tao, walang illegal terminal o illegal parking, walang basura, sa madaling salita ay walang sagabal sa kalye,” ani Estrada.

Ayon naman sa hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na si Dennis Alcoreza, ang ‘Pook Kaayusan’ ay halos katulad ng ‘Pook Batayan’ na pinatupad ng dating Pangulong Cory Aquino noong 1988.

Itatalaga ang 10 traffic enforcers sa bawat Pook Bata­yan at magma­mando ng trapiko mula 6am hanggang 2pm at 2pm hanggang 10pm araw-araw.

Plano ring lagyan ng CCTV ang lahat ng Pook Kaayusan na mahigpit na imo-monitor ng command center sa city hall, ayon pa kay Alcoreza.

Ang 23 lugar na lalagyan ng Pook Kaayusan ay ang Tayuman/LRT/Rizal avenue area; Recto/Rizal avenue; Recto/Abad Santos; Plaza Ruiz/Juan Luna; Pedro Gil/Taft avenue; Pablo Ocampo/Taft; Juan Luna/Solis; Juan Luna/Capulong/Pritil; Quirino avenue /Taft; Blu­mentritt/España; Capulong/Ve­­lasquez; P. Burgos in front of KKK; San Marcelino/Ayala boulevard; Mendiola/Legarda streets; Arroceros/City Hall; España/Lacson; Blumentritt/Aurora; West Zamora/Quirino avenue; P. Faura/Taft; U.N. ave­nue/Taft; Blumentritt/Rizal ave­nue; Hermosa/Rizal avenue; at Sta.Mesa/Nagtahan area.

Show comments