MANILA, Philippines - Magsasagawa ng bomb at hostage taking drill ngayon araw ang mga opisyal at tauhan The Medical City (TMC) Hospital sa Ortigas Avenue, Pasig City.
Ang drill ay lalahukan ng mga tauhan ng Bomb Disposal Unit ng Eastern Police District (EPD) na isasagawa ngayon alas-10 ng umaga.
Ayon kay Mia Mateo, assistant manager ng TMC, tinatayang nasa 700 hanggang 1,000 kawani ng ospital ang nakatakdang lumahok sa pagsasanay.
Sinabi ni Mateo, layunin nilang bigyan ng kamalayan at kasanayan ang mga kawani kapag nagkaroon ng pagsa- bog at hostage taking sa loob at labas ng kanilang pagamutan.
“This exercise is also in compliance with the hospital’s regulatory requirements with Joint Commission International (JCI) and Department of Labor and Employment (DOLE)” pahayag pa ni Mateo.