Biyahe ng MRT-3, pinutol

MANILA, Philippines – Pinutol ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga makaraang magkaroon ng aberya sa riles.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), naka­saad na nagkaroon ng technical problem dakong alas-6:12 ng umaga sa pagitan ng Santolan/Annapolis at Cubao stations northbound.

Sinasabing may nasirang riles ng tren sa pagitan ng dalawang istasyon kaya pinutol ang biyahe ng MRT-3.

Bunsod nito ay pansamantalang sinuspinde ang biyahe ng MRT sa Cubao hanggang Santolan station.

Bandang alas-6:20 ng umaga ay nilimitahan naman ang Southbound trips sa Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue stations.

Matapos ang isang oras ay naibalik naman sa normal ang  ope­rasyon ng MRT-3 makaraang makumpuni ang nasirang riles.

Ang MRT-3 ang bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

Show comments