Tibo iniwan ng nobya, nagbigti

MANILA, Philippines – Matapos na wakasan ng nobya ang kanilang relas­yon, winakasan na rin ng isang tibo ang sariling buhay nang magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Lieza Pandagani, 34, ng Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang matuklasan ang ginawang pagbibigti ni Pandagani sa kanyang kuwarto mismo ng kanyang ama.

Sa imbestigasyon, natuklasan buhat sa mga mensahe sa cellular phone ng nasawi na nagkaroon sila ng away ng kanyang nobya na itinago sa pangalang Beng at nauwi sa pakikipagkalas ng babae.

Dinala na ang bangkay sa PNP Crime Laboratory para isailalim sa awtopsiya habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.

Show comments