^

Metro

Hindi makahanap ng trabaho, nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hindi makahanap ng trabaho, nagbigti
Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-8 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Marvillo Solis, sa kuwarto ng bahay ng kanyang pamilya sa Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na lalaki na hindi makahanap ng trabaho ang winakasan ang sariling buhay nang magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-8 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Marvillo Solis, sa kuwarto ng bahay ng kanyang pamilya sa Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Nabatid na pinasok ng kanyang 70-anyos na ina na si Paquita ang kuwarto ni Marvillo upang ayain itong kumain ng hapu­nan nang makita ang wala nang buhay na anak na nakabitin. Isinugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Ayon sa mga kaanak, dumaranas ng matinding depresyon ang nasawi dahil sa problema sa kabuhayan ng kanyang pa­milya na hindi niya matulungan. Hindi umano matanggap sa mga inaaplayan na trabaho ang nasawi dahil sa edad nito na dahilan ng pagiging bugnutin at balisa.

BIGTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with