MANILA, Philippines – Apat na lalaki na pinaniniwalaang mga sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang nasawi sa engkuwentro sa mga pulis sa Maynila at Quezon City.
Nasawi sina Marlon Batuyong, 45, ng no. 705 Maliklik St., Tondo at isang Reagan dela Cruz, 25. Inaresto naman ang kinakasama ni Batuyong na si Lorna Mitra kaugnay din sa iligal na droga.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas 8:10 ng gabi nang maganap ang barilan sa tapat ng bahay ni Batuyong. Target ng operasyon ng SAID-SOU ng MPD-Station 7 si Batuyong. Nagtamo ng tig-dalawang bala sa dibdib ang mga suspek.
Napatay din si Joselito Rufino alyas “Pinong, 45, miyembro ng Batang City Jail, may mga tattoo na Chuchay, Janiel, Oga, Raizel sa kaliwang braso, nakasuot ng puting sando at itim na shorts na nasa top drug list ng MPD-Station 10 nang manlaban sa mga operatiba na nagsilbing poseur-buyer, kamakalawa ng gabi.
Batay sa imbestigasyon, nakipagkita umano ang suspek kay PO1 Leonido Bagaipo ng MPD Station 10 sa tapat ng no. 1180 Kahilum 2, dakong alas 9:45 ng gabi ng Sabado at iaabot na lamang ang shabu nang bigla umanong nag-iba ang kilos ng suspek at pinagdudahan si Bagaipo.
Bumunot umano ng baril ang suspek at ipinutok kay Bagaipo subalit nag-jam kaya’t kinuha naman ng pulis ang pagkakataon upang barilin ang suspek ng sunud-sunod na ikinasawi nito.
Samantala , kinilala naman ni QCPD Acting District Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar ang nasawing si Alyas Bubot Panotes ng Phase 3 St., Lupang Pa-ngako Brgy. Payatas Q.C. nang maka-engkwentro nito ang mga operatiba ng SAID-Special Operation Task Group ng Police Station 6 sa tinaguriang shabu tiangge sa lugar ni Pano-tes, dakong alas-12:10 ng tanghali kahapon.
Nakipagtransaksyon ang mga operatiba sa suspek para makabili ng halagang P10,000 na shabu hanggang sa nakatunog umano si Panotes na may mga nakaantabay na mga parak dahilan para magbunot ito ng baril at papupu-tukan ang mga huli.
Gumanti naman ng pu-tok ang mga operatiba na ikinasugat ni Panotes.
Naitakbo pa si Panotes sa pinakamalapit na ospi-tal pero idineklara din siyang dead-on-arrival.
Kasunod nito, ay nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba laban sa dalawang alalay ni Panotes hanggang sa maaresto ang walo pang suspected drug persona-lities habang bumabatak umano ng iligal na droga.
Nalambat din ng QCPD si Monica Delasan, alyas Monique na numero uno sa drug watchlist ng barangay kasama ang 27 iba pa sa isinagawang buy-bust operation sa isang drug den sa Brgy. San Antonio sa lungsod kamakalawa.