Rider utas sa motorcycle crash
MANILA, Philippines - Patay ang 34-anyos na motorcycle rider habang sugatan naman ang kanyang kinakasama makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa sementadong pader at poste sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 4, nakilala ang biktima na si Jon Jon Purisima ng # 42 Sct. Borromeo St., Brgy. South Triangle sa nasabing lungsod.
Habang ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang kinakasama nitong si Merlita Gregorio, 40.
Sa ulat ni PO3 Henry Luna, naganap ang insidente sa kahabaan ng Scout Torillo malapit sa panulukan ng Kamuning Road sa Bgy. Sacred Heart, Quezon City.
Lumalabas na minamaneho ni Purisima ang motorsiklo na walang plaka habang kaangkas si Gregorio nang salpukin nito ang pader pagsapit sa nasabing lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest