LRT-1, magtataas ng pasahe

Ayon kay DOTr Spokesperson Cherie Mercado, batay sa concession agreement ng LRT-1 ay pinahihintulutan itong makapagtaas ng 10 porsiyento ng pasahe, epektibo noong Agosto 1. File Photo

MANILA, Philippines - Magtataas ng pa­sahe ang Light Rail Transit (LRT)-1, ang linya ng LRT na nag-uugnay sa Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Baclaran sa Parañaque City.

Kaugnay nito, naka­takdang makipag-da­yalogo ang Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng Light Rail Metro Center (LRMC) para sa posibleng ‘win-win solution’ sa isyu.

Ayon kay DOTr Spokesperson Cherie Mercado, batay sa concession agreement ng LRT-1 ay pinahihintulutan itong makapagtaas ng 10 porsiyento ng pasahe, epektibo noong Agosto 1.

Nilinaw ni Merca­do na nire-respeto ng DOTr ang mga kontratang pinapasok ng gobyerno sa mga pribadong korporasyon.

Gayunman, plano munang makipag-da-yalogo ng DOTr sa LRT-1 upang makatiyak  kung anong kla­seng serbisyo ang makuku-ha ng publiko na kaa-kibat ng taas-pasahe.

Naniniwala rin aniya si DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi pa napapanahon ang pagtataas ng pasahe sa LRT-1 ngunit hindi naman aniya nila maaring labagin ang nakasaad sa kasunduan.

Paliwanag niya, nais lamang ng DOTr na makatiyak na mai­bibigay ng tama at maayos ang serbis­yo ng linya ng tren sa mga pasahero.

Show comments